Pages - Menu

Tuesday, August 5, 2014

Sa Totoo Lang.

Oo na. Sige na. Aaminin ko na.

Miss na miss ko na ang UP. Miss ko na ang AS kung saan halos lahat ng klase ko ay ginaganap.
Miss ko ang Main Library na kung saan kung saan ako’y natutulog at syempre nag-reresearch din. Miss ko na ang sunken garden na kung minsan ako’y nakaupo doon at nagmumuni tungkol sa buhay, pag-ibig (chos) at iba pa. 

Miss ko na ang acad oval kung saan ako nag-jojogging para mawala sa isip ang mga problema.
Miss ko ang Rodics, ang Shopping Center at ang area 2.
Miss ko na ang CASAA. Miss ko nang kumain ng pagkain na hindi mamahalin.  

Nakakaiyak na nagmumuni ako ng ganito. Bakit ngayon ko ‘toh ginagawa? Sobrang laki na ba ng mga problema ko kung kaya ganito ang ginagawa ko? :( Nakakaiyak.


No comments:

Post a Comment